PASAWAY | NCRPO, nakapagtala ng 200,000 indibidwal na lumabag sa city ordinances

Manila, Philippines – Umabot sa 200,000 tao ang pinagmulta o kinasuhan kasunod ng pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa mga tambay sa Metro Manila simula nitong Hunyo ng taon.

Sa datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nasa 362,039 violators ang binigyang babala, 66.55% ito ng kabuoang bilang ng mga naaresto na nasa 543,999.

Ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar, kadalasang nalalabag ng mga ito ay ang ilang ordinansa tulad ng smoking ban, walang suot na damit pang-itaas at pag-inom sa pampublikong lugar.


Mula aniya sa nasabing bilang, 107,628 ang nagbayad ng kanilang multa habang nasa 74,332 ang kinasuhan.

Higit 30,000 rito ay pawang mga menor de edad na lumabag sa curfew ordinances.

Facebook Comments