PASAWAY | Pasahero ng KIA nahaharap sa kaso matapos na mag bomb joke

Aklan – Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1727 ang
isang pasahero ng Kalibo International Airport (KIA) matapos na ito ay mag
bomb joke.

Nakilala ang suspek kay Feme Silva, 61-anyos at residente ng Poblacion,
Altavas, Aklan.

Base sa reklamo ng guest service agent ng Air Asia, nangyari ang insidente
habang tinitimbang ang bagahe nito at nagsalita ng “sige i-check in niyo at
may granada yan”.


Dahil dito nagulat ang nasabing agent at agad na tumawag ng aviation police.

Agad na inaresto si Silva at sinampahan ng kaso kahit na ito ay humingi ng
patawad.

Napag-alaman na pupunta sana ng Maynila ang suspek at anak nito.

Ang pag gawa ng bomb joke ay may parusang P40,000 at limang taon na pagka
kulong.

Facebook Comments