PASAWAY | PNP nakapagtala ng mahigit 17,000 mga violators sa paggunita ng Undas

14

Umabot sa 17, 659 na mga violators ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa paggunita ng Undas.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, karamihan sa mga violators ay nagbitbit ng bladed weapons at mga nakakalasing na inumin.

Batay sa kanilang monitoring, umabot sa 28,595 na mga patalim at alak ang kanilang nakumpiska mula sa mga violators nang dumalaw sa mga sementeryo.

Nakakumpiska rin sila ng kabuuang 615 na mga gambling paraphernalia, 195 na mga karaoke at apat na baril.

Sa ngayon nanatili naman sa Police assistance center ang mga pulis na ideneploy para sa Undas upang antabayanan ang mga motoristang ngayon palang uuwi mula sa ilang araw na bakasyon.

Ipinagmalaki naman ni Albayalde na mapayapa sa kabuuan ang paggunita ng Undas dahil walang naitalang mg untoward incidents.

Matatandaang nag-deploy ang PNP ng mahigit 22,000 na mga pulis para tiyakin na magiging payapa ang paggunita ng Undas.

Facebook Comments