Pasay City General Hospital, hindi na muna tumatanggap ng medical at surgery cases

Nag-abiso ang Pasay City General Hospital na full occupancy na ang pagamutan para sa medical at surgery cases.

Bunga nito, pinapayuhan ang mga pasyente na nasa emergency room na lumipat na muna sa ibang pagamutan.

Ayon sa pamunuan ng nasabing ospital, hindi makabubuti sa mga pasyente na manatili sa kanilang ER dahil hindi sila maaasikaso sa ngayon.


Patuloy namang tumatanggap ang Pasay City General Hospital ng mga pasyente para sa pediatrics at OB cases.

Samantala, 21 % ang occupancy rate ngayon sa COVID confirmed ward sa nasabing ospital kung saan ito ay nasa normal/safe risk rating.

5 COVID ICU beds naman ang bakante habang 20 regular COVID beds ang available.

70% naman ang occupancy para sa covid transition wards at 6 na kama ang bakante.

Wala ring naitalang bagong COVID patient na namatay sa Pasay.

Facebook Comments