Pasay City General Hospital, nasa full capacity na para sa COVID-19 patient

Inanunsyo ng Pasay City government na puno na ang COVID ward, isolation at Intensive Care Unit (ICU) beds ng Pasay City General Hospital.

Ibig sabihin aniya nito ay hindi na tumatangap ng pasyenteng may sintomas ng COVID-19.

Kaya naman ipinapayo na ng Pasay City government na sa ibang ospital o institusyon na lang tumungo ang mga may sintomas ng COVID pero sa mga hindi COVID patient tumatangap pa rin ng pasyente ang Pasay City General Hospital.


Ang Pasay City General Hospital ay bahagi ng One Hospital Command.

Batay sa anunsyo ng Pasay City Information Office, maaring makontak ang One Hospital Command para sa mga COVID patient sa mga numerong 02)8865-0500 para sa landline at Smart (0919)9773333 at Globe (0915)7777777.

Facebook Comments