Ibinida ng pamunuan ng Pasay City government na dahil sa kanilang pinaigting na kampanya kontra COVID-19, isa lamang ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasay City.
Base sa datos ng Pasay City Health Office, walang naitalang bagong kaso COVID-19 kahapon kung saan patunay lamang na naging epektibo nag kanilang kampanya kontra sa nakamamatay na sakit.
Ayon sa Local Government Unit (LGU) umakyat sa 29,287 ang mga gumaling sa COVID-19 kung saan isa rito ang bagong naitalang gumaling habang ang kumpirmadong kaso ng COVID-29 ay pumalo na sa 28,874.
Paliwanag ng Pasay City Health Office, halos wala ng kaso ang Pasay LGU ng COVID-19 kung saan ay pinag-iingat pa rin ang mga residente at pinayuhang panatilihing sumunod sa ipinaiiral na health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay at pag-iwas sa mga matataong lugar.