Humingi na ang Pasay City Government ng karagdagang isolation facilities sa Oplan Kalinga sa pamamagitan ng Metro Manila Development Authority (MMDA).
Ito ay dahil 75% na ng COVID wards ng Pasay City General Hospital (PCGH) ang okupado sa ngayon.
Habang 55% ng COVID Transition Rooms naman ng ospital ang nagagamit na.
Ayon kay Dr. Jonvic de Gracia ng PCGH, marami pang COVID patients ang nakapila sa Emergency Room ng Pasay City General Hospital para sa admission.
Sa sandali aniyang mapuno na ang ospital ay gagamitin na ang One Hospital Command para mailipat ang ibang COVID patients.
Facebook Comments