Pasay City LGU, nagbabala sa patuloy na pagdagsa ng LSIs sa lungsod

Nagbabala si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano sa posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga pasahero malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ayon sa alkalde, maging ang mga locally stranded passengers ay nanganganib din ang kalusugan lalo na at ang virus ay walang pinipili na estado sa buhay o edad.

Bunga nito, muling nanawagan ang Pasay Local Government Unit (LGU) sa mga pasahero na huwag munang tutungo sa NAIA hangga’t walang kumpirmadong flight.


Sa ngayon kasi ay may 50 na namang Locally Stranded Individuals (LSIs) ang nagka-camping sa ilalim ng NAIA Skyway ramp.

Una nang dumagsa sa NAIA 3 ang daan-daang mga stranded na pasahero kung saan sila ay kinalinga sa malapit na mga eskwelahan sa Andrews Avenue.

Facebook Comments