Pasay City Mayor Emi Rubiano, nag-negatibo sa COVID-19 test

Kinumpirma ng Pasay City Public Information Office na negatibo sa COVID-19 test si Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Si Mayor Rubiano ay unang nag-self quarantine matapos na may nakaugnayan na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay Jun Burgos, media relation officer ng alkalde, may nakasalamuha si Mayor Rubiano na COVID-19 positive sa kanyang pagharap sa mga taong umaapela ng tulong sa Lokal na Pamahalaan sa harap ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) dulot ng COVID-19.


Bilang pag iingat, nagpasya ang alkalde na mag-self quarantine na lamang.

Nilinaw naman ni Burgos na walang katotohanan ang kumakalat na balita na hindi maayos ang lagay ng alkalde.

Facebook Comments