Kinumpirma ni John Victor De Gracia ng Pasay City General Hospital na magdadagdag sila ng bed capacity bilang paghahanda sa posibleng paglobo ng kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant.
Ayon kay De Gracia, plano nilang itaas ang kanilang bed capacity sa 65 mula sa kasalukuyang 52 beds.
Aniya, naghahanda na rin sila ng mga supply ng gamot at oxygen sa harap ng banta ng Delta variant.
Samantala, kinansela na rin ng Pasay City Government ang pagbabakuna ngayong araw dahil sa masamang panahon.
Facebook Comments