Pasay City, nagpakita rin ng pagluluksa sa biglaang pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino

Inilagay rin sa half-mast ang watawat ng Pilipinas sa city hall ground ng Pasay City bilang pagluluksa sa biglaang pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sa isang statement, sinabi ni Mayor Emi Calixto-Rubiano, ipinaabot niya ang pakikiramay ng mga taga-Pasay sa pamilya ng dating Pangulo.

Aniya, dalangin nila ang mapayapa at walang hanggang pagpapahinga ng kaluluwa ni dating Pangulong Noynoy.


Ani Rubiano, nagpapasalamat ang mga taga Pasay sa mga tulong na naibahagi ng dating Pangulo para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.

Facebook Comments