Pasay City, nagsimula nang magsagawa ng COVID-19 mass testing

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng pasay ang pagsasagawa ng COVID-19 mass testing sa mga residente nito.

Katuwang ng Pamahalaan ng Lungsod ng Pasay sa pagsasagawa ng COVID-19 mass testing ang Philippine Red Cross (PRC) sa gabay na din ng Department of Health (DOH).

Layunin ng COVID-19 Mass Testing Activity ay bigyan ng prayoridad ang mga sumusunod:


  1. Mga taong may sintomas ng COVID-19;
  2. mga taong na-expose sa isang positibong kaso ng COVID-19; at
  3. ang ating mga Frontliners.

Alinsunod sa guidelines na ito, ang mga susuriin ay ang mga Suspected at nagkaroon ng contact sa mga may cases ng COVID-19.

Paalala naman ng City Health Office na maglalabas sila ng anunsyo sa mga barangay ng mga susunod na schedule ng Mass Testing.

Samantala, umaabot na sa 150 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pasay, 60 ang suspected at 22 ang probable habang 24 ang nasawi dahil sa COVID-19.

Nabatid na lahat ng kumpirmadong kado ng COVID-19 ay naberipika ng DOH-RITM, Pasay City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, Health Centers, Barangay at ng Pasyente o mga kamag-anak nito.

Facebook Comments