Pasay City nakapagtala ng 14 na bagong kaso ng COVID-19

35

Umaabot na ngayon sa 14,733 mga Pasayeño ang naging infected ng COVID-19 matapos na may maitalang 14 na kaso ngayong araw.

Batay ito sa ulat ng Pasay City Information Office.


Sa bilang ng mga positibo 71 lang ang active cases pero good news dahil may anim na bagong gumaling ngayong araw sa COVID-19, kaya 14,267 na ang total recoveries mula sa 14,733 infected ng virus.

395 ang namatay na sa COVID-19 sa Lungsod ng Pasay.

Kaugnay nito nabawasan naman ang mga barangay sa Pasay na COVID-19 free na.

Kaya naman patuloy pa rin ang panawagan ng lokal na pamahalaan sa kanilang mga residente na makiisang labanan ang virus sa pamamagitan ng pagsunod sa mga health protocols.



Facebook Comments