Pasay City, nakapagtala ng higit 70 kaso ng COVID-19

Pumalo na sa 71 ang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pasay City.

Sa tala ng Lokal na Pamahalaan ng Pasay, nasa 12 ang nakarekober sa sakit habang nasa 9 ang nasawi.

323 naman ang Person Under Investigation at 44 ang Person Under Monitoring.


Dahil dito, umaapela ang Lokal na Pamahalaan ng Pasay sa bawat residente sa lungsod na manatiling naka-home quarantine, magsuot ng face mask kung lalabas ng bahay, obserbahan ang physical distancing at ugaliing maghugas ng kamay para hindi mahawaan ng sakit.

Tuloy-tuloy naman ang pamamahagi ng relief goods ng ilang mga opisyal kahit pa naka-self quarantine si Mayor Emi Calixto matapos ma-expose sa isang indibidwal na positibo ng COVID-19.

Facebook Comments