Inanunsyo ng Pasay City General Hospital (PCGH) na hindi na muna uli sila tumatanggap ng COVID at non-COVID patients.
Sa ngayon kasi napuno na naman ng COVID patients ang kanilang pagamutan.
Bunga nito, pansamantalang sarado muli ang Emergency Room (ER) ng PCGH para sa COVID patients at maging sa iba pang mga pasyente na wala namang malalang kaso.
Wala na ring bakanteng transition beds sa nasabing pagamutan habang 16 pang COVID probable patients ang naghihintay ng resulta ng kanilang RT-PCR test.
Wala ring OB-GYN services ngayon sa PCGH, Pasay City, nasa full capacity na muli para sa COVID at non-COVID admissions.
Facebook Comments