Pasay Cong. Tony Calixto, nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ng Pasay City Public Information Office (PIO) na nagpositibo sa COVID-19 si Pasay City Rep. Antonino Calixto.

Mild lamang anila ang kaso ni Cong. Calixto at siya ay naka-isolate na ngayon habang naka-work from home.

Agad na humingi ng medical attention si Calixto matapos itong makaranas ng dry cough nitong Lunes.


Naka-isolate na rin ngayon ang close contacts ng mambabatas, partikular ang kanyang pamilya na pawang negatibo naman sa swab test.

Ang mga nakasama naman ng mambabatas sa opisina ay sumailalim na rin sa swab test at sila ay obligado rin na mag-quarantine sa loob ng 14 na araw.

Nilinaw naman ni Calixto na hindi niya nakasama sa meeting ang kanyang nakababatang kapatid na si Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Facebook Comments