Pasay LGU at DSWD, mamamahagi na ng SAP cash aid sa mga residente ng lungsod

Personal na sasaksihan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista ang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) Cash Assistance na nagkakahalaga ng P8,000 sa bawa’t kwalipikadong residente ng lungsod.

Ang distribusyon ay gagawin mamayang alas-2:30 ng hapon sa Pasay City West High School.

Si Pasay City Social Welfare Officer Rosalinda Orobia muna ang siyang dadalo sa naturang aktibidad dahil sumasailalim pa sa 14-day home quarantine si Mayor Emi Calixto-Rubiano, bagama’t lumabas na ang negatibong resulta ng kaniyang swab test.


Ipinaalala naman ng Lokal na Pamahalaan ng Pasay sa mga SAP beneficiaries na dalhin ang sumusunod na required documents:

1) Duplicate copy ng kanilang SAC or Special Amelioration Card

2) Valid ID tulad ng Senior Citizen ID, PWD ID o Solo Parent ID

3) Individual Barangay Certificate

4) Certification na may lagda ng Social Worker para naman sa mga homeless

5) at kung mga Muslim, certification na may lagda ng Tribal Leader.

Bagamat gaganapin sa eskwelahan, mahigpit pa din ipapatupad ang mga panuntunan ng Enhanced Community Quarantine tulad ng physical distancing, thermal scanner at ang pagsusuout ng face mask.

Facebook Comments