Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Pasay na isasara ang ilang kalsada sa paligid ng Cultural Center of the Philippines (CCP) Complex sa ika-29 ng Hunyo upang magbigay daan sa “Aliwan Fiesta” grand parade.
Batay sa abisong inilabas, isasara ang ilang daanan mula alas-dose ng hapon hanggang alas-dose ng madaling araw, kaya naman pinapayuhan ang mga motorista na humanap muna ng alternatibong daan sa nabanggit na oras at araw.
Para sa mga babiyahe pa-southbound ng Roxas Boulevard patungong CCP, Harbour Square, at Folk Arts Theater, maaaring kumanan sa P. Bukaneg Square.
Kapag nasa loob naman ng CCP Complex, maaaring mag-exit sa Atang dela Rama St., patungong Buendia Avenue o kaya ay sa Senate Road papuntang Macapagal Blvd.
Sa lahat din ng mga sasakyang babiyahe papuntang PICC mula Buendia Extension o Macapagal Boulevard, maaaring dumaan sa Sofitel Road at kumanan sa V. Sotto Street.
Para naman sa mga e-exit ng CCP Complex patungong Roxas Boulevard o EDSA, maaaring dumaan sa Jalandoni St., papuntang Buendia Extension o kaya’y Macapagal Boulevard.