
Kinumpirma ng Pasay Local Government Unit (LGU) na walang permit para mag-operate ang pekeng ospital o pasilidad na sinalakay ng mga tauhan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PAOCC).
Ayon sa Pasay LGU, binigyan na nila ng show-cause order ang nasabing nag-o-operate ng ospital matapos na inspekyunin ng mga kawani ng Pasay.
Sa katunayan, sa ginawa nilang pag-inspeksyon o tax mapping ay hindi lamang pala ito ang establisyemento na nakitaan ng paglabag.
May mga pinagpapaliwanag pa sila sa lugar na wala ring kaukulang business permit.
Kung maaalala, ni-raid ng PAOCC ang naturang establisyemento matapos makumpirma na hindi accredited sa Department of Health (DOH) ang nasabing ospital.
Napag-alaman kasi na hindi lang ito ang unang beses na ni-raid ang nasabing ospital pero patuloy pa rin ito sa nasabing iligal na operasyon.