Pasay LGU, naaalarma na sa tumataas na bilang ng mga batang tinatamaan ng COVID-19

Aminado si Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano na naaalarma na siya sa pagtaas ng bilang ng mga batang tinatamaan ng COVID-19.

Bunga nito, nagpaabot na rin ng suporta si Mayor Calixto-Rubiano sa mga panawagan na bakunahan na rin ang mga batang 12 hanggang 17 taong gulang.

Nanawagan din ang alkalde sa mga magulang na doblehin ang pagbabantay sa kanilang mga anak at huwag hahayaan na lumabas ng bahay ang mga bata kung wala namang mahalagang pakay.


Kaugnay nito, pinaigting pa ng mga otoridad ng Pasay City ang pag-monitor at mahigpit na pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Facebook Comments