Nagpadala na ng kaukulang ayuda ang lokal na pamahalaan ng Pasay sa mga dating residente ng lungsod na na-relocate sa karatig na lalawigan.
Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, isang team na binubuo ng mga kawani ng Mayor’s Office at Engineering Office ang nagdala ng 796 grocery packs at iba pang essentials na pangangailangan para mga na-relocate na pamilya sa Dorotea 1 at Belmont Homes sa Naic, Cavite.
Nabatid na ipinaubaya na ng Pasay LGU ang pamamahagi na dala nilang ayuda sa mga opisyal ng Munisipalidad ng Naic.
Kasabay nito, namahagi rin ang lokal na pamahalaan ng food packs sa 46 na pamilya na na-relocate naman sa Pasay Ville Resettlement aa Tanay, Rizal.
Sinabi ni Mayor Emi na ipagpapatuloy ng lokal na pamahalaan ang pamamahagi ng groceries at iba pa sa mga na-relocate sa Naic at Tanay hanggang sa mabigyan ang lahat ng pamilya na dating nakatita sa Pasay city.
Paliwanag ng alkalde, responsibilidad pa rin nila na tulungan ang mga pamilyang na-relocate sa dalawang nabanggit na lugar dahil sila ay nananatiling nakarehistro pa rin sa kanilang lungsod.