Pasay, nakapagtala ng panibagong 80 kaso ng COVID-19

Nagpapatuloy na naman ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Pasay batay sa ulat ng Pasay City Information Office.

Sa kanilang datos, 80 ang panibagong COVID cases sa lungsod kaya umabot na sa 15,575 ang total confirmed cases, sa bilang na ito ay 568 ang active cases.

Pero good news naman dahil may 42 bagong gumaling sa COVID kaya umabot na sa 14,600 ang recoveries.


Dahil naman sa patuloy na pagtaas ng COVID case, tiniyak ng Pasay LGU na patuloy silang gumagawa ng paraan para mapigilan ang pagdami nito sa pamamagitan ng aktibong contact tracing, pagsasagawa ng mas maraming RT-PCR Testing, Isolation and Treatment, at pagdedeklara ng mas maigting na community quarantine sa mga apektadong barangay.

Para naman sa pag-report ng COVID-19 cases tumawag sa kanilang hotline numbers:
Globe- 0956-778-6524
Smart- 0908-993-7024

Facebook Comments