Pasay PNP, nag-ikot sa restaurants sa ilalim ng Alert Level 4

40

Personal na nag-ikot sa mga establisyemento si Pasay Police Chief Col. Cesar Paday-os upang tingnan kung sumusunod ang mga establisyemento sa bagong guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa ilalim ng Alert Level 4 sa buong National Capital Region (NCR).

Sinuyod ni Paday-os ang mga restaurant sa Macapagal Area, Seascape hanggang CCP Complex patungo sa Mall of Asia.


Una nang nag-deploy ng karagdagang pulis sa Pasay City para sa implementasyon ng Alert Level 4 sa quarantine classification ng NCR.

Ito’y upang mapabilis ang pagpapababa ng Coronavirus o COVID-19 cases.

Kabilang din sa ipinakalat ay mga tauhan ng Public Order and Safety Unit (POSU) at ng traffic, Pasay City Environmental Natural Resources Office (PCENRO).

Kahit ang mga barangay official ay na-deputize upang manghuli ng mga lalabag sa protocol sa ilalim ng Alert Level 4.



Facebook Comments