Pasay reporters, vendors, tricycle at pedicab drivers, isasailalim sa libreng rapid test ng Pasay City LGU

Magsasagawa ang Pasay City Local Government Unit (LGU) ng libreng COVID-19 rapid tests sa mga vendor sa palengke, gayundin sa tricycle at pedicab drivers sa lungsod at sa mga mamamahayag na nagko-cover sa Pasay.

Ayon kay Mayor Emi Calixto-Rubiano, mahalagang maisailalim sa rapid test ang naturang mga indibidwal dahil sila ay high risk sa kontaminasyon dahil sa kanilang mga trabaho kung saan marami silang nakakahalubilong tao.

Aniya, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga mamamahayag sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko lalo na ngayong may pandemic.


Dagdag pa ni Rubiano, ang naturang rapid tests ay makakatulong din sa Pasay City Health Office na matukoy ang COVID-19 cases at para mabigyan ng atensyong medikal ang mga magpopositibo.

Tiniyak din ng Alkalde ang mahigpit na pagpapairal ng health protocols sa vendors sa mga palengke sa lungsod gayundin sa pedicab at tricycle drivers.

Facebook Comments