Inaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ang isang resolusyon para sa pagtatatag ng Pangasinan Safety and Emergency Response, Command, Control and Communications o (PASER C3) bilang Emergency 911 Hotline Center ng lalawigan.
Ang naturang resolusyon ay iniakda ni SP Member Vici Ventanilla, kung saan inendorso ito sa Provincial board ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) at nakasaad dito na ang “local government units (LGUS) ay inuutusan na magtatag ng isang local 911 call centers sa loob ng lugar ng hurisdiksyon ng resolusyon upang mapabuti ang mga serbisyong pangkaligtasan ng publiko at pairalin pa ang kapayapaan at kaayusan maging mga mekanismo ng kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng pagbibigay ng malinaw na istruktura ng command para sa responsibilidad at accessibility, at sa pamamagitan ng paghikayat sa pagpapadali ng agarang pag-deploy ng isang walang putol na imprastraktura ng komunikasyon sa buong bansa para sa mga serbisyong pang-emergency.
Dagdag pa, na magsisilbi umano ito bilang isang frontline service area ng mga residente sa lalawigan para sa over-all na emergency operations at network communication ng mga Pangasinense.
Sa ipapatayong establisyimentong ito ng PACER C3, magkakaroon din ng komunikasyon sa local at national agencies gaya ng BFP, PCG, Pangasinan Police Provincial Office, at Provincial Office na enhanced preparedness para sa mapayapa at ligtas na lalawigan.
Sinabi ni PDRRM Officer Rhodyn Oro na ang institusyonalisasyon ng PASER C3 at pagtatatag ng emergency 911 hotline center ng lalawigan ay alinsunod sa Republic Act 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 at magbibigay daan tungo sa pagpapatibay ng holistic, comprehensive, integrated at pro-active approach ng LGUs sa pagbabawas ng socio-economic at environmental impacts ng mga kalamidad gaya ng climate change dahil ito ay nagtataguyod ng aktibong pakikilahok at partisipasyon ng lahat ng kinauukulang ahensiya. |ifmnews
Facebook Comments