Pasig at Rizal, pansamantalang mawawalan ng tubig mamayang gabi

Manila, Philippines – Pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang bahagi ng Pasig at Rizal simula mamayang gabi.
Sa abiso ng Manila Water, apektado ang mga residente ng barangay Santolan sa Pasig dahil sa gagawing leak testing sa bahagi ng Evangelista St. simula sa alas-8:00, ng gabi mamaya hanggang alas 12:00 ng madaling-araw.
Samantala, sa Rizal makakaranas din ng water service interruption ang parte ng Barangay Sto. Domingo at San Juan dahil sa gagawing line maintenance sa C. Cruz kanto a. Bonifacio Street, simula naman alas-10:00, mamayang gabi hanggang alas-4:00, Biyernes ng umaga.
Inabisuhan naman ang mga apektadong residente na mag-ipon na ng sapat na tubig bago maputol ang serbisyo.

Facebook Comments