Pasig City COVID-19 Referral Center, malapit nang mapuno ang kapasidad

Kaunti na lang at mapupuno na ang kapasidad ng Pasig City Children’s Hospital na siya ring COVID-19 Referral Center sa Pasig City.

Ayon kay Dra. Nerissa Sabarre, head ng Pasig City COVID-19 Referral Center, 86% nang puno ang kanilang mga kama.

Paliwanag ni Dra. Sabarre, ngayon ay 93 na mga pasyenteng may COVID-19 ang naka-admit sa kanila.


Malaki ang itinaas nito mula sa 43 admitted COVID-19 patients noong March 11.

Base naman sa pinakahuling tala, umakyat na sa 940 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Pasig.

Nananatili namang naka-granular lockdown ang 37 lugar sa 19 na barangay sa lungsod.

Samantala, sarado rin pansamantala ang Cooperative Development Office, Engineering Department, Pasig Housing Regulatory Unit, Tobacco Control Unit, at Urban Poor Affairs Office, sa ika-anim na palapag ng City Hall.

Facebook Comments