Tinalakay ng Pasig City Disaster Risk and Reduction Management Office (DRRMO) ang mga precautionary measures kung papaano makakaiwas na mahawaan ng COVID-19.
Ayon kay Pasig City DRRMO Chief Bryant Wong sinimulan na nila ang contact tracing sa pasyenteng nagpositibo ng COVID-19 na galing umano sa Japan at inaalam na rin kung sino ang mga nakasalamuha nito.
Matatandaan na inihayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto na isang residente ng Pasig ang nagpositibo ng Covid 19 na mayroong history na galing umano sa bansang Japan habang naka confined naman sa Medical City sa Pasig ang isa pang nagpositibo ng COVID-19.
Ayon kay Mayor Sotto maglalaan din sila ng dedicated Response Team upang makapag-responde kaagad sa sinumang pinaghihinalaang nahawaan at palagiang magbabantay sa pasyente at mga kaanak nito na isasailalim sa Quarantine.
Mamimigay din aniya sila ng disinfectant at magdi-disenfect sa mga pampublikong lugar tulad ng mga eskuwelahan at iba pang mga matataong lugar.