Pasig City Government, aminadong mayroong mga nagiging problema sa distribusyon ng relief goods sa ibang mga barangay

Natutugunan na ng Pasig City Government ang ilang problema ng mga barangay tungkol sa pamamahagi ng mga relief goods sa kanilang lugar.

Ito ang binigyang diin ni Pasig City Mayor Vico Sotto kung saan ay tuloy din, aniya, ang pagbibigay ng ayuda sa iba’t-ibang sektor gaya ng mga tricycle driver, construction workers at iba pa sa pakikipagtulungan ng sanggunian.

Paliwanag ng alkalde, laking pasasalamat umano sa kanila ng mga tricycle driver dahil nataasan pa ang matatanggap ng mga tricycle driver mula tatlong libong piso hanggang apat na libong piso upang makapantustos sa araw-araw nilang buhay.


Tiniyak din ni Sotto na malapit na rin umanong dumating ang tulong pinansyal sa mahigit 100 libong pamilya sa tulong na rin ng national government.

Dagdag pa ni Mayor Sotto na maging ang medikal na aspeto ay nasa mabuting kamay na umano ito at nakaplano na ng maigi ang phases ng aksyon ng Pasig City Government.

Naniniwala ang alkalde na kung magpocus lamang sila mula barangay hanggang national at magtulungan ay malalampasan din nila ang krisis na dulot ng COVID-19.

Facebook Comments