Nahaharap ngayon ng kakulangan ng mga health worker ang Pasig City government na mangangasiwasa sa contact tracing at iba pang medical facilities ngayong lomolobo ang bilang ng mga kasong tinamaan ng Omicron variant ng COVID-19.
Sa kanyang social media post sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na nagdagdag sila ng bilang ng emergency personnel sa contact tracing at iba pang Local Government Unit (LGU) health facilities, pero kulang pa rin umano ang mga ito.
Paliwanag ng alkalde, dapat umanong mag-ingat ang publiko dahil ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) kahit pa umanong bahagyang bumaba ang COVID reproduction rate ang bilnag naman ng mga kaso ay tumataas.
Dagdag pa ni Sotto ang sintomas aniya ng Omicron variant ay hindi kasing lakas ng Delta variant pero mabilis umano itong kumalat at ang bilang ng mga tao na naho-hospital ay patuloy na tumataas kaya’t pinag-iingat nito ang kanyang mga nasasakupan na umiwas na makihalubilo sa mga tao.
Umakyat na kasi sa 62,749 kabuuang mga kaso ng COVID-19 kabilang ang 2,835 active cases, at 58,442 na mga gumaling at 1,472 ang mga nasawi sa pinakahuling datos noong Enero 10 ngayong taon.