Hinikayat ng Pasig City Traffic and Parking Management Office (TPMO) ang lahat ng mga motorista na na-impound ang kanilang.mga sasakyan dahil sa iba’t ibang traffic violations ay may iniaalok na amnesty ang Pasig City Traffic and Parking and Management Office para matubos na ang mga sasakyan sa murang halaga.
Ayon kay Pasig City Traffic and Parking Management Office Officer in Charge at City Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO) Chief Bryant Wong ay inihayag nito na ang kanilang TPMO ay naglaan hanggang April 3 ngayong taon upang tubusin ng mga motorista ang kanilang mga sasakyang naimpound.
Paliwanag ni Wong malaki ang matitipid ng mga motorista kung mag avail sila ng amnesty dahil ang kanilang babayaran ay Php 550.00 lamang kumpara kung walang amnesty na posibleng aabot sa libu- libong kanilang babayaran.
Si Wong bilang Hepe ng DRRMO ay naihayag din nito na ang kanilang lungsod ay patuloy sa mga preparasyon sa pagharap ng anumang trahedya o kalamidad, kung saan aniya ay kinakailangan ang iba’t ibang training para sa mga responder ng kanilang lungsod upang magamit sa pagsasalba ng mga buhay sa panahon ng anumang kalamidad.