Tiniyak ng pamunuan ng Pasig City Government sa mga residente mg Pasig City lalo na ang mga Frontliners na hindi sila mahihirapang sumakay papunta sa kanilang pinapasukang trabaho matapos na mag-alok ng libreng sakay ang LGU ng Pasig.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto nag-alok siya ng mga free rides sa kanyang mga nasasakupan, particular na ang mga frontliners gaya ng mga health workers at health professionals, matapos na ideklarang suspension ng pampublikong sasakyan dahil sa ipinatutupad na Luzon-Wide Enhanced Community Quarantine.
Paliwanag ng alkalde mahalaga ang mga gampanin ng mga health workers at health professionals lalo na sa ganitong sitwasyon kung saan sila ang frontliners para mabigyan ng lunas ang ating mga kababayang nakitaan ng sintomas sa COVID-19.
Giit ni Sotto bukod sa mga tricycle na kanyang pinahihintulutang bumiyahe at nagtalaga rin ang alkalde ng mga sasakyan mula sa Pasig City Government upang ayudahan ang kanyang mga nasasakupan na pumapasok sa kani-kanilang pinapasukang trabaho.