Pasig City Government, nag-alok ng scholarships sa mga estudyanteng nag-aaral sa mga pribadong paaralan na kapus-palad sa lungsod

Inihayag ng pamunuan ng Pasig City Government na naglaan sila ng 3,000 slots para sa scholarship ng mga estudyanteng nag-aaral sa mga pribadong paaralan ngayong taon.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, bahagi ang mga indigents o kapus-palad na mga estudyante ngayon taon sa kanilang Scholarship Program.

Paliwanag pa ng alkalde, hindi lahat na nag-aaral sa mga pribadong paaralan ay mayaman o may kakayahang tustusan ang kanilang mga anak, at mayroong mga pribadong eskwelahan naman ang kinakapos na at maaaring magsasara sa hinaharap, at kapag sila’y nagsasara, ang mga pampublikong paaralan naman ang mahihirapan ng husto dahil magsisiksikan ang mga estudyante sa susunod na School Year.


Pinayuhan din ni Sotto ang mga nais na mag-avail ng naturang Scholarship Program na makipag-ugnayan sa kani-kanilang mga paaralan upang ang Scholarship Office ng Pasig City Government ay hindi ma-overloaded o magsisiksikan ang mga estudyante.

Giit ng alkalde, napagpasyahan nila kasama ang mga Private School Organizations na paghahatiin ang slot ng scholarship ng mahigit sa 100 pribadong paaralan sa lungsod dahil ang kanilang prayoridad ay maliit lamang upang makinabang naman ang lahat dahil mayroon ng 18,000 scholars ang Pasig City Government ngayong school year.

Facebook Comments