Pasig City Gov’t itinanggi ang kumakalat na mayroon ng nadapuan ng nakahahawang sakit na nCoV virus sa mga hospital sa Pasig City

Mariing pinabulaanan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang ulat na kumakalat sa mga online news at social media na mayroon na di umanong nakumpiramang kaso ng novel coronavirus (nCoV) sa Rizal Medical Center, Medical City at sa Pasig City General Hospital.

Ayon kay Mayor Sotto, sadyang may mga makakapal umano ang mukha na gumagawa ng fake news tungkol sa pagpapakalat na mayroon ng nCoV virus sa naturang mga pagamutan.

Paliwanag ng alkalde sa ngayon, aniya ay zero cases ang lungsod ng Pasig pati na rin umano ang tinatawag na persons under investigation.


Giit ni Sotto, kahit umano mayroong kasong  nCoV sa lungsod ay handang handa naman sila para matugunan at para maiwasan ang nakamamatay na virus.

Dagdag pa ng alkalde na ang local government ng Pasig ay nagtayo na ng quarantine tents na pinatatakbo ng Pasig City General Hospital kung saan sumusunod sila sa kautusan ng Department of Health (DOH) para sa mga residenteng nakitaan ng sintomas gaya ng ubo, sipon, at lagnat.

Namahagi na rin sila ng mga infrared thermometers para sa lahat ng mga public schools sa Pasig City kung saan mayroon silang infrared thermometer sa mga entrance ng schools, kaya kapag may lagnat umano ang mga bata, kwena-quarantine muna nila, tapos tatawagan yung mga magulang, pagkatapos pauuwiin sila para mag-home quarantine.

Facebook Comments