Binigyan ng Pamahalaang lungsod ng Pasig ng cash incentives ang mga miyembro ng Pasig City King Pirates, isang professional chess team mula sa lungsod.
Ito’y matapos manalo at may “draw” standing laban sa 33 teams na kasali sa 2021 Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) season.
Ang nasabing cash incentives ay donasyon ng isang kilalang international clothing brand sa Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Ayon kay Mayor Vico Sotto, ang pagbigay ng insentibo sa mga manglalaro ng Lungsod ay bahagi ng kanilang proyekto sa larangan ng palakasan.
Aniya, ang sports sa mga aspeto na dapat ding pagtuunan ng pansin para magkaroon ng “holistic development” ang mga BatamPasig.
Pasig City King Pirates ay patuloy pa rin ngayong lalaban sa PCAP Reinforced Conference: Super GM Wesley So Cup! na ginaganap ng alas-7:00 ng gabi tuwing Miyerkules at Sabado.