Pasig City Mayor Vico Sotto, duda sa mga pasabog ngayong araw sa Senado ng Discaya couple

Duda si Pasig City Mayor Vico Sotto sa mga pasabog ngayong araw ng mag-asawang Sara at Curlee Discaya sa pagdinig ng Senado.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ng alkade na bagama’t may mga kongresista, Department of Public Works and Highways (DPWH) officials, at contractors sa guilty sa maanomalyang flood control projects, hindi aniya dapat paniwalaan ang pasabog ng mag-asawang Discaya.

Ito ay lalo na’t nais aniya ng mga ito na maging testigo sila ng estado para hindi makulong.

Sinabi pa ni Mayor Vico na kilala ang mag-asawang Discaya sa aniya’y pabagu-bagong statement ng mga ito.

Nagbabala rin ang alkalde na maging vigilant at huwag aniya basta-basta magpapauto sa Discaya couple.

Facebook Comments