Pasig City Mayor Vico Sotto, nanawagan sa gobyerno na payagang pumasada ang mga tricycle

Nakiusap si Pasig City Mayor Vico Sotto sa national government na payagan ang mga tricycle na pumasada sa gitna ng Luzon Community Quarantine.

Matatandaang pinayagan ng alkalde ang mga tricycles sa kanilang lungsod na bumiyahe para ihatid ang mga health workers at emergency patients sa mga ospital.

Ayon kay Mayor Sotto, hindi pa niya ikinokonsidera ang social at economic effects ng pagbabawal sa mga tricycle.


Mahalagang makita ang potential damage sa public health at posibleng mawalang buhay dahil sa COVID-19.

Ipinunto rin ni Sotto na naaayon pa rin dapat sa protocols na itinakda ng local authorities ang biyahe ng mga trike tulad ng paglilimita ng bilang ng pasahero alinsunod sa social distancing rules.

Facebook Comments