Pasok sa 2021 Philippine Faces of Success si Pasig City Mayor Vico Sotto.
Ito ay ang award giving body na kumikilala sa mga ‘successful Pinoys; sa bawat bansa sa buong mundo.
Maliban sa alkalde, napabilang din sa listahan ang award-winning veteran thespians na sina Gina Pareño at Elizabeth Oropesa, Sanya Lopez at Jak Roberto, mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado, aktor na sina Teresa Loyzaga, Wendell Ramos, William Thio at Composer na sina Vehneee Saturno at director Elwood Perez.
Bukod pa kay Sotto, pasok din sa Philippine Faces of Success ang public servants na sina Bulakan Mayor Vergel Meneses, San Jose Del Monte Mayor Arthur Robes, Quezon City Councilor Hero Bautista, at Dr. Alvin Sahagun, entrepreneur at Maharlika party-list advocate.