Pasig City Molecular Laboratory pasado na sa DOH

Aarangkada na ang operasyon ng Pasig City Molecular Laboratory.

Ito ay matapos na aprubahan ng Department of Health (DOH) ang accreditation at license to operate ng ikaapat na Molecular Laboratory na itinayo ng mga Local Government Units (LGUs) sa Metro Manila para sumuri ng COVID-19 infection.

Sa kaniyang Facebook post ay nagpasalamat si Pasig City Mayor Vico Sotto sa DOH maging sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) dahil sa pagkakapasa ng mismong pasilidad.


Dahil dito, mararamdaman na ng mga Pasigueño ang mas mataas na kapasidad sa testing at mas mabilis na paglalabas ng resulta sa mga isinasailalim sa COVID-19 test.

Bukod sa impeksyon sa COVID-19, ang Pasig City Molecular Laboratory ay may kakayahan ding sumuri ng iba pang sakit gaya ng dengue at Human Immunodeficiency Virus (HIV).

Facebook Comments