₱1.3 bilyong piso ang inilaan ng Pasig City Government para sa laptops ng mga guro at tablets ng mga mag-aaral sa lungsod na magagamit ngayong nalalapit na pasukan.
Ito ang inanunsyo ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa online briefing ng Department of Education (DepEd) kanina.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, patuloy ang paghahanda nila para sa pagbubukas ng klase sa October 5, 2020.
Paliwanag pa ni Sotto, kahit may pandemya hindi dapat matigil ang edukasyon dahil hindi umano sila magpapatinag sa hamon at yayakapin nila ang new normal.
Dagdag pa ng alkalde, tinutulungan nila ang mga guro sa printing ng learning modules para sa mga estudyante at maliban dito, mayroon din silang nakalaan na graduation package ngayong school year.
Facebook Comments