Inanunsyo ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Pasig na nangangailangan sila ng mga frontliner para sa pangkalusugan.
Ayon kay Mayor Vico Sotto, kailangan nila ng 65 na mga nurse, 35 mga doktor at dalawang medical technologist na itatalaga sa Centralized Quarantaine Facility ng lungsod.
Kailangan din aniya nila ng 60 na mga nurse at medical technologist para naman sa City Health Department.
Aniya ang mga interesadong mga aplikante ay maaaring magpadala ng kanilang resume sa pasigcovidtf@gmail.com
Samantala, ngayong araw, ang Pasig City ay mayroong kabuuang bilang ng 1,570 confirmed cases ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19).
Mula sa nasabing bilang, 735 ay recoveries at 110 naman ang nasawi.
Kaya naman ang active cases ng lungsod ay nasa 725.
Facebook Comments