Pasig City Peso, aarangkada sa ikalawang mega job fair nila ngayong taon

Matapos ang biglang pagkansela ng trabaho sa lahat ng mga Government Offices sa Metro Manila kahapon dahil sa epekto ng nagdaang lindol, balik na uli sa normal ang kanilang transaksiyon at paglilingkod bayan.

Sa lungsod ng Pasig, hahataw muli ang tanggapan ng Pasig City Peso sa pagsasagawa ng job fair.

Bukas, ika-25 ng Abril, isa na namang mega job fair ang kanilang isasagawa na titiyak sa pagbibigay ng trabaho sa mga naghahanap nito.


Ayon kay Miss Dang Guansing, Job Fair In-Charge ng Pasig City Peso, walang kasabay na ano mang aktibidad ng Pasig L-G-U ang proyekto nilang ito,

Ito aniya ay regular na job fair na ginagawa nila taun-taon kung saan, matatandaang nagsabi ang Pasig City Peso na gumagawa sila ng hanggang apat na mega job fair sa isang taon.

Sabi ni Guansing, inaasahan nilang aabot sa isang-daang mga employer ang makikiisa dito na posibleng magbigay muli ng hindi bababa sa limang libong mga trabaho dito sa bansa o sa abroad.

Kaya panawagan ng kanilang tanggapan sa mga Pasigueno’s, sugod na bukas sa Pasig Sports Complex at magkatrabaho upang magbago ang takbo ng kapalaran at buhay mo.

Facebook Comments