MANILA – Naglatag ang Pasig City Regional Trial Court ng kondisyon ukol sa pagkakabawi sa warrant of arrest laban kay Moro National Liberation Front Founding Chairman Nur Misuari.Ayon sa Pasig RTC, kailangang humingi muna ng pahintulot ni Misuari sa kanilang hukuman, Dept. of Justice (DOJ) at sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) kung gagawin sa labas ng bansa ang peace talks.Kailangan ding mag-ulat ni Misuari sa embahada o sa konsulada ng Pilipinas kung saan gagawin ang peace talks at dapat ding tiyakin ng OPAPP.Bukod dito, obligadong magpadala ng report kada buwan si Misuari sa Pasig RTC tungkol sa magaganap na usapang pangkapayapaan.Sasailalim din si Misuari sa kapangyarihan ng korte sa sandaling natapos na ang suspensyon sa paglilitis ng kanyang kaso o ang nasabing peace talks.Panghuling iginiit ng Pasig RTC, kailangang magpaalam ng OPPAP sa DOJ kapag malapit nang matapos o kung natapos na ang peace talks kung saan, dapat maghain ng motion to lift suspension of proceedings sa korte.
Pasig City Regional Trial Court, Naglabas Ng Kondisyon Sa Pagsuspinde Ng Arrest Warrant Kay Mnlf Founding Chairman Nurmi
Facebook Comments