Pasig LGU, gagamit ng 4 na lugar sa pagtuturok ng booster shot kontra COVID-19 sa mga senior citizen at person with comorbidities

Nakatakdang bakunahan ng booster shot ang mga senior citizen at indibidwal na may comorbidities sa Pasig City.

Ayon sa Local Government Unit, apat na lugar ang gagamitin ng Pasig Vaccination Team sa pagbabakuna ng Pfizer at Moderna ang gagamitin sa pagtuturok ng booster shots.

Kasama rito ang Tanghalang Pasigueño, kung saan umaga ang schedule ng bakunahan at Pasig City Children Hospital, Buting Elementary School at Pasig Sports Center na hapon naman ang schedule ng bakunahan.


Kaugnay nito, naging matagumpay naman kahapon ang pagsisimula nila sa pagtuturok ng booster shot sa mga senior citizen at may comorbidity kung saan 692 ang mga nabakunahan.

Nagpapatuloy pa rin ang kanilang pagbabakuna sa mga medical frontliner na nasa A1 category.

Facebook Comments