Kumilos na rin ang Pasig City Government para makatulong sa mga nabiktima ng malalakas na lindol na tumama sa Mindanao.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, base sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council, magkakaroon ng Sanggunian Session ngayong umaga para pormal na aprubahan ang donasyon.
Paliwanag ni Sotto, direkta nilang ihahatid sa mga nangangailangang bayan ang donasyon na nagkakahalaga ng P14 Million.
Dag-dag pa ng alkalde na ang P3 Million ang donasyon na nakalaan para sa Makilala North Cotobato habang tig-2 Million naman ang nakalaan para sa Tulunan, Mlang at Kidapawan.
Aniya para sa Davao Del Sur, tig-P2 Million ang nakalaan sa Bansalan at Magsaysay at P1 Million sa Matanao.
Facebook Comments