Pasig LGU, magpapatupad ng one way traffic scheme

Magpapatupad ang Pasig City government, mamayang alas-2:00 ng hapon simula ngayong araw hanggang bukas ng one way traffic scheme.

Ayon sa Pasig Local Government Unit (LGU), ito ay ipinatutupad na sa kanilang lugar sa C. Raymundo Ave. partikular sa E. Angeles St. hanggang Mercedes Ave. (North Bound) para magbigay daan sa Oplan Kaluluwa 2022.

Ang lahat ng pangkalahatang sasakyan mula sa Mercedes Ave. na patungo sa Rotonda ay maaring dumaan sa C. Raymundo Avenue at dumaaan sa Stella Maris Street Patungo Dr. Sixto Avenue, maari rin dumaan sa Market Avenue, at kumanan naman sa Dr. Pilapil Street at kumaliwa sa Angeles Street.


Ang lahat din ng dadaan na sasakyan sa C. Raymundo Avenue. (South Bound) papunta sa Rotonda ay maaaring dumaan sa Stella Maris Street at kumaliwa papuntang Dr. Sixto Avenue.

Lahat naman ng sasakyan na dadaan sa Dr. Sixto Avenue na papuntang Pasig City Cemetery ay maaring dumaan sa Rotonda at kumaliwa papuntang C. Raymundo Avenue.

Humingi naman ng malawak na pang-unawa ang Pasig LGU para sa kanilang gagawin kaugnay sa gagawing one way traffic scheme.

Facebook Comments