
Nagbabala si Pasig City Mayor Vico Sotto na sila ay nanghuhuli na ng mga nagtitinda ng ipinagbabawal na paputok.
Matapos na masakote ng Pasig City Police Station ang isang online seller matapos magbenta ng iligal na paputok online.
Ayon sa alkalde na sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi sila nag-isyu ng special permits sa kanilang lungsod para makapagbenta ng mga fireworks o firecrackers.
Dahil dito, bukod sa pagkakaaresto sa tindero ng paputok ay kinumpiska din ang ibinibenta nito.
Sa kabila nito, sinabi niya na hamon sa kanila ito dahil ang mga pagawaan at distributor ng mga paputok ang malapit lang sa kanilang lungsod kaya’t makakapasok at makakapasok pa rin ito.
Giit niya na hindi titigil ang Pasig LGU sa tulong ng Pasig Philippine National Police (PNP), Pasig Peace and Order Department (POD), at mga barangay sa para manghuli ng nagtitinda ng paputok sa kanilang lungsod.










