Tatlo pang business establishement ang nasampolan ng Pasig Local Government Unit (LGU) matapos na lumabag sa alituntunin sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Sinuspinde ng pitong araw ang business permit ng S. B. Restaurant, Sta.Lucia at ang F. M. Pares Mami, Sta.Lucia dahil sa pagtanggap ng dine-in sa kanilang mga parokyano.
Gayundin ang K. S. Gym, Manggahan matapos hulihin ang 32 katao habang nasa ECQ ang lungsod.
Kasunod na rin ito ng mga reklamo ng mga nagmamalasakit na mga tao.
Facebook Comments