Pasig Mayor Vico Sotto, pumirma na sa isang kasunduan sa AstraZeneca sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19

Inanusyo ni Pasig City Mayor Vico Sotto na pumirma na ito ng isang kasunduan, kasama ang nasyonal na pamahalaan sa AstraZeneca upang bumili ng bakuna kontra COVID-19.

Sa talumpati ni Mayor Sotto sa flag raising ceremony ng lungsod ngayong umaga, sinabi nito na bibili ang lungsod ng 400,000 doses ng Coronavirus vaccine at nagkakahalaga ito ng isang daang milyong piso.

Aniya, ito ay para sa dalawang daang libong mga residente ng lungsod ng Pasig.


Kaya naman hinimok nito ang mga residente na huwag matakot sa bakuna at kusang magpabakuna dahil sa libre na at ligtas naman ito.

Giit pa niya, hindi ito papayagan ng Food and Drug Administration (FDA) at katumbas na opisina sa ibang bansa kung ito ay hindi ligtas gamitin ng tao.

Ginawa pa niyang halimbawa ang sakit na polio at tigdas.

Dagdag pa ni Sotto, nang dahil sa bakuna nakontrol o nawala ang nasabing mga sakit.

Facebook Comments