Nagpatupad na rin ng “No Face Mask No Entry” policy sa Pasig Mega Market bilang hakbang para makaiwas sa pagkalat ng COVID-19.
Kapansin-pansin na sa wet section ng palengke, makikita ang business as usual na mga nagtitinda. Ang pinagkaiba lang ay naka-Face Mask na sila.
Ayon sa mga nagtitinda, pabor sila sa polisiya ng administration’s office ng palengke, pag-iingat na rin kasi ito lalo pa at mas dumami ang dumadagsa sa Palengke dulot ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Kaugnay nito, tuloy tuloy rin ang ginagawang disinfection sa palengke sa tulong ng City Health Department.
Stable naman ang presyo ng mga pangunahing bilihin gaya ng karne ng manok na PHP150 ang kada kilo, baboy na PHP190 ang kada kilo at isda gaya ng Bangus na PHP150 ang kilo, Tilapia na PHP120 ang kilo at Galunggong na PHP200 ang kada kilo